-- Advertisements --

Kabuuang 660,000 na umanong formal workers o mga manggagawang may regular na employer ang nakatanggap na ng P5,000 cash assistance mula sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III, nasa P3.280 billion ang nagamit nilang pondo para rito at hanggang dun na lamang ang kaya nilang ipaluwal.

Ayon kay Sec. Bello, sa mga hindi raw nakatanggap mula sa CAMP, pwedeng mag-apply sa Department of Finance (DOF) at Social Security System (SSS) dahil mayroon silang Small Business Wage Subsidy (SBWS).

Mula P5,000 hanggang P8,000 ang ibinibigay sa mga empleyado sa pamamagitan ng SBWS, depende sa umiiral na minumum wage sa pinagtatrabahuan ng empleyado.

Una ng nakapaloob sa report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso nitong Lunes na ang-deposit na ang National Treasury ng P25.5 billion sa Development Bank of the Philippines (DBP) para sa ikalawang tranche ng SBWS.