-- Advertisements --

Umabot na sa kabuuang 6,397 katao ang natulungan ng Philippine Red Cross (PRC) sa ika-siyam na araw ng kanilang Holy Week Operations ngayong Abril 20, 2025.

Mula Abril 12 hanggang 21, aktibo ang PRC sa pagbibigay ng serbisyong medikal at tulong sa iba’t ibang panig ng bansa. Sa kabuuan, 5,928
ang sumailalim sa vital signs monitoring, 434 ang ginamot sa minor cases gaya ng lagnat, pagkahilo, at mga galos, habang 16 ang may major cases tulad ng hika, pananakit ng dibdib, at seizure. 19 namang pasyente ang dinala sa ospital para sa karagdagang atensyon.

Nagbigay rin ang PRC ng welfare assistance sa 1,053 katao —kabilang dito ang psychological support, referral, libreng tawag, tracing services, at pamamahagi ng pagkain.

Habang nagpakalat ang mga ito ng 178 ambulansya, 28 service vehicles, 3 rescue boats, 375 first aid stations, 107 welfare desks, at 4 command posts.

May kabuuang 2,153 personnel naman ang naka-deploy na binubuo ng 313 staff at 1,840 volunteers.

Samantala matatagpuan ang PRC stations sa 26 chapters at mahahalagang lugar gaya ng mga simbahan, terminal, highway, beach, seaport, pilgrimage site, bundok, gasolinahan, mall, at paaralan. Tiniyak naman ng mga ito ang mabilis na pagresponde sa pangangailangan ng publiko ngayong huling araw ng Semana Santa 2025.