Naapektuha ang mahigit 500,000 customer ng Manila Electric Co. (Meralco) sa ilang lugar sa Luzon.
Ito ay matapos itaas ng National Grid Corporation sa red alert ang Luzon grid.
Ayon sa utility company, kabilang sa mga naapektuhang mga konsyumer ay sa parte ng Bulacan, Cavite, Lahuna, Metro Manila, Quezon at Rizal.
Nagtagal ang manual load dropping o rotational brownout ng nasa tatlong oras sa ilang lugar.
Ipagpapatuloy naman ng kompaniya ang masusing monitoring sa sitwasyon at pangangasiwa sa sistema.
Matatandaan, nitong Biyernes, Mayo 15, nakaranas ng malawakang power interruptions ang bansa, na nag-iwan ng milyun-milyong residente na walang kuryente sa gtna ng nararanasang mainit na panahon.
Sa ngayon, base sa inisyung grid alert status ng NGCP, bumalik na sa normal at may sapat na suplay ng kuryente ang Luzon Grid gayundin ang Mindanao Grid.
Habang nananatili naman sa yellow alert ang Visayas grid hanggang mamayang alas-8:00 ng gabi.
















