-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Patuloy na iniimbestigahan ng Explosive and Ordnance Division o EOD nang Police Regional Office -(PRO) 10 ang nangyaring pagsabog ng mahigit 50 vintage bomb sa Barangay Indahag nitong Biyernes ng hapon.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Cagayan de Oro City Police Office spokesperson Police Major Evan Viñas na nakaimbak sa storage facility ng Regional Mobile Force Battalion ang sumabog na mga bomba.

Ayon kay Viñas na batay sa pahayag ng iilang saksi, mayroong nakitang usok sa loob ng pasilidad bago nangyari ang pagsabog na naging sanhi ng sunog.

Tumagal umano ng isang (1) oras ang sunod-sunod na pagsabog ng mga vintage bomb na nagdulot nang takot sa mga residente ng Sitio Kamakawan sa nasabing barangay.

Ngunit, wala namang nasaktan sa mga residente dahil malayo ang kanilang mga bahay mula sa storage facility.

Nasugatan naman ang isang miyembro ng city fire brigade na rumesponde sa insidente ngunit nasa ligtas na itong kalagayan.