-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 70 ang total active cases sa Santiago City matapos magpositibo sa virus ang 55 market vendors

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Genaro Manalo, City Health Officer ng Santiago City, sinabi niya na 53 market vendors ang nagpositibo sa ikalawang bugso ng kanilang contact tracing.

Sa ngayon ay hinihintay pa ang 3rd batch at 4th batch ng swab test.

Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na manatiling sumunod sa mga minimum health protocols.

Sa ngayon lumalabas na tanging mga vendors lamang sa loob ng pamilihang Lunsod ang nagkahawaan ng virus.

Tinututukan na rin ng City Health Office ang isang mamimiling nagpakonsulta sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) na maaaring maitala bilang suspect case.

Nakatakda ring maisailalim sa pagsususri ang mga vendors na nasa bahagi ng old public market.

Nababahala ngayon si Dr. Manalo dahil sa pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Santiago City.

Batay sa pinakahuling datos ng CESU may 70 aktibong kaso ng COVID-19 ang Santiago City, 286 ang kumpirmadong kaso, 215 ang gumaling, habang nanatiling isa ang nasawi.