Nasa kabuuang 423 na mga persons deprived of liberty mula sa iba’t-ibang mga bilangguan sa bansa ang pinalaya ng Bureau of Corrections ngayong araw.
Sa datos na inilabas ng BuCor, aabot sa 188 na mga bilanggo ang mula sa New Bilibid Prison, 77 ang mula sa Davao Prison and Penal Farm, 55 ang nanggaling sa Leyte Regional Prison, at 33 naman ang nagmula sa Correctional Institution for Women.
Mula sa naturang bilang, 121 sa mga ito ang pinagkalooban ng parole, habang tatlo naman ang acquitted.
Ayon pa sa BuCor, ang mga pinalayang PDLs ay binigyan nila ng certificate of discharge, grooming kits, at gratuity and transportation allowance.
Samantala sa bukod naman na pahayag ay iniulat ni BuCor chief Gregorio Catapang Jr. na nasa 500 mga preso sa New Bilibid Prison at Correctional Institution for Women ang inilipat sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan bilang bahagi ng kanilang decongesting program sa mga bilangguan.
Kung maaalala, una nang inihayag ng BuCor na plano nitong ilipat ng ibang mga kulungan ang nasa 7,500 na mga PDL sa New Bilibid Prison ngayong taon kasabay ng kaniyang target na gawing “global city” ang BuCor headquarters sa Muntinlupa City.