-- Advertisements --

Dumating na na ang mahigit 326,000 doses ng Moderna vaccine sa bansa.

Sinalubong ni vaccine czar Carlito Galvez ang 326,400 doses ng Moderna ng ito ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 dakong alas-4 ng hapon nitong Agosto 8.

Ayon sa National Task Force Against COVID-19 mapupunta ang 102,000 doses sa International Container Terminal Services, Inc. habang ang 224,400 naman ay mapupunta sa gobyerno.

Sinabi ni Galvez na mayroong mahigit 12.9 milyon na mga Filipino ang naturukan na ng unang dose ng COVID-19 habang mayroong mahigit 11.2 milyon ang fully vaccinated na.