Aabot sa kabuuang 31,238 ang bilang ng mga pasaherong naitala ng Philippine Coast Guard sa lahat ng mga pantalan bansa ngayong Lunes ng umaga.
Sa datos ng PCG, umabot na sa 14,213 ang bilang ng mga outbound passengers na naitala, habang nasa 17,025 inbound passengers naman ang naitala mula alas-12 ng madaling araw hanggang alas-6 ng umaga ngayong araw.
Karamihan sa mga ito ay dumating sa Batangas City port at Manila North Harbor port.
Samantala, sa kabila nito ay iniulat naman ni Philippine Ports Authority general manager Jay Santiago na naging matiwasay naman ang naging sitwasyon sa lahat ng mga pantalan sa bansa mula Miyerkules Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay maliban nalang sa mga mahahabang pila na naranasan sa ilang lugar.
Kaugnay nito ay itinaas din sa heightened alert ang PCG na sasaklaw din sa summer vacation para pagsilbihan ang mga lokal na turista na bumibiyahe sa dagat hanggang Mayo 31. .. mars