-- Advertisements --

Kinumpirma ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa na may umiiral na gag order sa 356 na mga umanoy cops na nasa drug watchlist ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang pahayag na ito ni Gamboa bunsod sa ginagawang pagpapaliwanag sa kasalukuyang sitwasyon ni Lt Col Jovie Espenido sa media.

Binigyang diin ni Gamboa , ‘general instruction’ sa mga pulis na huwag magsalita habang dinidinig ang kanilang mga kaso.

Kung may problema raw kasi anya ay dapat maayos ito sa kanilang hanay dahil ito ay panloob na usapin.

Sinabi naman ni Gamboa hindi pa sa ngayon maituturing na insubordination ang ginagawa ni Espenido dahil sa kaliwat kanang pagpapaliwanag nito sa media.

Una ng sinabi ni PNP chief iimbestigahan ng PNP ang ginagawang media interviews ni Espenido.