-- Advertisements --

Tiwala ang Department of Education (DepEd) na makakaabot ng mula 26 milyon hanggang 28 milyon ang mag-aaral na papasok ngayong school year 2026-2027.

Ayon kay Assistant Secretary Jocelyn Andaya , na mayroon silang sapat na teaching at non-teaching personnel sa public elementary at secondary schools para sa nasabing bilang ng mga mag-aaral.

May ilang paaralan na kulang ang mga guro habang mayroong iba naman ay mahigit pa.

Base sa kanilang teacher-to -studen ratio ay mayroon isang guro kada 35 na mag-aaral sa elementary habang sa sekondarya ay mayroong isang guro sa 45 na mag-aaral.

Habang ang mga classroom ratio ay mayroong isa kada 32 mag-aaral sa elementary; isang silid aralan sa kada 39 sa junior highschool at isa sa kada 36 para sa senior high school.