Inianunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakauwi na sa kani-kanilang lalawigan ang mahigit 24,000 overseas Filipino workers (OFWs) na natenggal na hanggang isang buwan sa mga quarantine facilities sa Metro Manila.
Sinabi ni Sec. Roque, naiuwi ang mga nasabing OFWs sa pamamagitan ng eroplano, barko at bus sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Sec. Roque, magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagpapauwi sa mga OFWs sa loob ng isang linggo matapos mapag-alamang matagal na silang natengga sa Metro Manila sa kahihintay ng COVID-19 test at certifcation mula sa Bureau of Quarantine.
Lahat daw ng gastos sa pag-uwi ng mga OFWs ay sagot ng gobyerno sa pamamagitan ngDepartment of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).