-- Advertisements --
Malaki ang paniniwala ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nasa Pilipinas pa rin si Senator Ronald Dela Rosa.
Ayon sakay CIDG director Maj. Gen. Robert Alexander Morico II, na ito ay base sa kanilang mga nakalap na impormasyon subalit hindi na ito nagbigay pa ng anumang detalye.
Tiniyak ng opisyal na kanilang ipapatupad ang pagsisilbi ng warrant of arrest.
Magugunitang mayroong warrant of arrest ang Senador mula sa International Criminal Court (ICC) dahil sa pagkakasangkot nito sa war on drugs noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
















