CAUAYAN CITY – Nadiskubre sa isang paaralan ang walong piraso ng grenade launcher at 18 mga hand grenade sa Catabayungan, Cabagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), isang concerned citizen ang tumawag sa Cabagan Police Station para ipabatid ang nadiskubreng mga kinakalawang na pampasabog sa Delfin Albano High School sa Catabayungan, Cabagan, Isabela.

Agad nagtungo ang mga pulis sa lugar at nakita ang mga pampasabog sa likurang bahagi ng eskuwelahan.

Dinala sa Cabagan Police Station ang 24 na piraso grenade launcher at hand grenade para sa tamang pagproseso.

Nagsasagawa rin ng imbestigasyon ang mga otoridad para malaman kung paano nadiskubre ang mga pampasabog sa nasabing paaralan.