CAUAYAN CITY- Pumalo na sa 7,652 ang total COVID-19 cases sa Isabela ngayong araw.
Ito ay matapos maitala ngayong araw ang 172 na bagong kaso habang umabot na sa 1,209 ang aktibong kaso.
Naitala naman ngayong araw ang 42 na panibagong recoveries.
Ayon kay Assistant Provincial Health Officer Dr. Arlene Lazaro, sinabi niya na nangunguna pa rin sa may pinakamataas na kaso ang bayan ng San Mateo at Santiago City.
Aniya, sa kasalukuyan nakapagtala na rin ang Isabela ng 143 COVID-19 related deaths.
Isa parin sa mga pangunahing dahilan sa pagtaas ng kaso ng COVID 19 ay ang pagiging kampante ng tao na tila nakalimot na sa mga ipinapatupad na minimum health protocols.
Kung matatandaan noong nakaraang taon ay nag pasa ng isang ordinansa ang pamahalaang Panlalawigan na nag papataw ng kaukulang parusa sa mga indibidiwal na lumalabag sa minimumhealth protocols.
Bagamat may ilang natatakot dahil sa paglipana ng mga bagong variants ng COVID-19 vaccines ay meron paring mga lumalabag.
Samantala muling nagpaliwanag ang Provincial health office may kaugnayan sa nagaganap na vaccine roll out ng sinovac vaccine.
Ayon kay Dr. Lazaro, dalawang linggo matapos matanggap ang ikalang dose ng sinovac vaccine ay saka pa lamang mararamdaman ang optimal protection.
Aniya, normal na side effects lamang ang pagsakit ng ulo, pagsususka, at pagkahilo matapos matanggap ang ang unang dosage ng bakuna.
Mui naman niyang nilinaw na bawal mabakunahan ang mga may allergic reaction sa bakuna at mga may sakit.
Bago naman mabakunahan ay may isasagawang screening na dapat aniyang seryosohin ng mga mababakunahan.
Ang dahilan naman kung bakit may mga nagpopositibo sa covid 19 na bakunahan na ay maaaring na expose sila ng hindi nila alam bago mabakunahan.
Nanindigan rin ang PHO na hindi COVID vaccine ang dahilan kung bakit nagka-COVID ang taong nabakunahan.
Iginiit niya na fake news ang lumalabas na espekulasyon sa pagkasawi ng isang midwife mula sa barangay Gaddanan, San Mateo, Isabela.
Batay sa inilabas na report ng DOH napag-alaman na ang nasawing pasyente ay may diabetes at hypertension.
Siya ay nabakunahan noong March 10, 2021 at makalipas ang 7 araw at nakaranas siya ng lagnat, panghihina, ubo at sipon.
March 19, 2021 nang isailalim siya sa swab test na lumabas na positibo at March 25, 2021 ng siya ay masawi sa Integrated Community Hospital.
Lumalabas sa pagsusuri na siya ay nasawi dahil sa kanyang dating karamdaman at hindi dahil sa naiturok na bakuna.