Mahigit 150 staff members sa Houston-area hospital ang pinatalsik o nagbitiw sa puwesto.
Ito ay dahil hindi sila tumalima sa mandatory na pagpapabakuna laban sa COVID-19.
Sinabi ni Houston Methodist Hospital spokesperson Gale Smith na noon pang Hunyo 7 ay sinabihan ang mga ito na magpabakuna at kung umayaw ay masususpendi ang mga ito ng dalawang linggo.
Nasa 200 empleyado ng pagamutan ang sinuspendi at 153 sa mga ito ang tinanggal o nag-resign.
Dagdag pa ni Smith na ang mga empleyado na nabakunahan na habang sila ay nasuspendi ay makakabalik pa ang mga ito sa trabaho.
Magugunitang noong nakaraang buwan maraming mga empleyado ang nagsagawa ng kilos protesta dahil sa ipinapatupad na mandatory vaccination.
Bilang sagot ng pamunuan ng pagamutan ay tinanggal sa puwesto ang 117 Houston Methodist employees.















