-- Advertisements --

Umabot na sa mahigit 1,160 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa malawakang pagbaha at landslide sa ilang bahagi ng Asya, kabilang ang Sri Lanka at Indonesia.

Ang matinding ulan ay dulot ng magkaka-hiwalay na weather systems na tumama sa bansa ng Sri Lanka, Sumatra, Indonesia, katimugang bahagi ng Thailand, at hilagang Malaysia, kasabay ng monsoon season.

Sa Indonesia, tinatayang 593 na ang nasawi at 470 ang kasalukuyang nawawala.

Nagpadala na rin ang gobyerno ng tatlong warships at dalawang hospital ships, ngunit maraming kalsada parin sa mga apektadong lugar ang hindi pa madaanan.

Samantala, sa Sri Lanka naman naitala na ang 390 na nasawi at 352 ang nawawala. Kasabay niyan ang pagdedeklara ni Sri Lankan President Anura Kumara Dissanayake ng state of emergency.

Habang sa Thailand, 176 narin ang naitalang nasawi dahil sa sama ng panahon, habang sa Malaysia, dalawang tao na ang naiulat na nasawi bunsod ng sama ng panahon.

Ayon sa World Health Organization ang mga nararanasang kalamidad ay dulot ng mga paalala kung paano pinapalala ng climate change ang mga matitinding weather events, habang patuloy ang mga operasyon para sa rescue, relief, at rehabilitasyon sa mga nasalantang residente sa Asya.