-- Advertisements --
image 138

Aabot sa 11,700 ang magbubukas na job opportunity mula sa 17 mga bansa kabilang ang Estados Unidos at Germany sa isasagawang job fair kasabay ng pagdaraos ng araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Inaasahang nasa 32 private recruitment agencies at dalawang manning agencies ang mag-aalok ng trabaho sa job fair.

Ang mga maaaring aplayan na trabaho ay nurses, welders, construction workers, laborers, waiters/waitresses, barista, warehouse supervisors, food servers, chefs, bakers, accountants at seafarers.

Katuwang ng DMW sa isasagawang job fairs ang Department of Labor and Employment upang matulungan ang mas maraming mga Pilipinong naghahanap ng trabaho at maprotektahan ang mga ito laban sa mga illegal recruiters.

Ayon sa DMW, ang mga marerecruit na Pilipino ay madedeploy sa Guam, Maldives, Kingdom of Saudi Arabia. Qatar, United Ara Emirates, Japan, Singapore, Bahrain, Papua New Guinea, China at Macau.

Ang ilan ding idedeploy sa Ireland, Australia, Germany, United Kingdom, Czech Republic at USA.

Gaganapin ang Mega Job fair sa tanggapan ng DMW sa Ortigas Avenue at EDSA sa Mandaluyong City mula 8 a.m. hanggang 5 p.m. sa June 12.

Inaasahang nasa mahigit 68,000 naman kabilang ang iaalok na local jobs sa kabuuang 42 job fair sites sa buong bansa sa araw ng lunes.