-- Advertisements --

CAUAYAN CITY -Naitala ngayong araw sa Isabela ang 107 panibagong kaso ng COVID-19 habang 63 naman ang naidagdag sa mga gumaling.

Mas mababa sa naitala kahapon na 173 COVID-19 positive.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, pinakamarami pa rin ang lungsod ng Santiago na may 53 , Burgos na 16, tig-lilima sa Cauayan City at Echague, tig-tatatlo sa Aurora, Cordon, Mallig at Tumauini, tig-dadalawa sa Quirino, Roxas, San Isidro at San Mariano habang tig-iisa sa Alicia, Cabagan, Cabatuan, Delfin Albano, Ilagan City, Jones, Quezon at San Mateo.

Sa ngayon ay umabot na sa 8,200 ang tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela, 6,671 ang gumaling, 1,370 ang aktibong kaso at 159 ang nasawi.

Sa mga aktibong kaso ay isa ang Returning Overseas Filipino, 15 ang locally stranded individuals, 155 ang Health Workers, 41 ang pulis at 1,158 ang mula sa local transmission.

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakailangan para makaiwas sa virus.