Nasawi ang dalawang piloto matapos na mag-crash ang isang Phantom F-4 jet habang isinasagawa ang isang air show sa Tanagra Air Base sa Athens Greece, noong araw ng Sabado, September 5.
Bumagsak ang nasabing fighter jet ilang daang metro lamang mula sa mga nakasaksi.
Tinatayang nasa libo rin ang dumalo sa air show noong Sabado at wala namang naitalang sugatan. Ayon sa airforce officials ng Greece, natagpuan ang katawang ng dalawang nasawi piloto sa paligid ng Tanagra Air force base, 60 kilometers north of Athens.
Gumamit naman ng 11 water-dropping planes at nagtulong-tulong ang 85 na mga bumbero upang maapula kaagad ang sunog matapos na bumagsak ang eroplano
Agad naman na kinansela ng mga organizers ang ilang events para sana sa susunod na linggo.










