-- Advertisements --
Umaasa ang Department of Interior and Local Government (DILG) na natuto na ang mga barangay at iba pang local officials sa tamang pamamahagi ng Special Amelioration Program (SAP).
Sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya, malapit na ang pamamahagi ng ikalawang tranche ng SAP kaya sana maiwasan na ang mga nangyaring aberya at hindi na mauulit ang mga reklamong katiwalian.
Ayon kay Usec. Malaya, nasa 134 barangay officials na ang nasampahan ng kasong kriminal at mahigit 100 pa ang iniimbestigahan ng CIDG.
Tiniyak ni Usec. Malaya na hindi kinokonsinti ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ano mang katiwalian sa pamamahagi ng SAP.