-- Advertisements --
image 185

Sinisiyasat na rin ng Department of Justice (DOJ) ang mahigit 10 napaulat na insidente ng mga pagpatay sa Negros Oriental ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla.

Nauna ng sinabi ng kalihim na bumisita ng personal sa burol ni negros Oriental Governor Roel Degamo noong Miyerkules na nakikitang mayroong “pattern of impunity” sa probinsiya o kabiguan na maparusahan ang mga salarin.

Ayon sa kalihim maraming reklamo ang idinulog sa kanila at ipinaalam ang nangyayari sa mga lugar gaya ng Bayawan city, sa Dumaguete at iba pang mga lugar sa Negros Oriental.

Subalit kailangan pa aniya nila itong busisin ng maigi, humanap ng ebidensiya at salaysay ng mga may kinalaman sa mga insidente ng pagpatay.

Una rito, naghain ng tatlong bilang ng reklamong murder si Atty. Levito Baligod na kumatawan sa mga complainant laban kay Negros Oriental Representative Arnie Teves dahil sa pagjkaksangkot umano nito sa ilang serye ng pagpatay sa probinsiya noong taong 2019.