-- Advertisements --
Mahigit 1,000 katao ang nasawi matapos ang pagtama ng magnitude 6.3 na lindol sa Afghanistan.
Nagkumahog ang mga rescuers para mailigtas ang mga natabunan ng mga gusali sa Herat Province ang lugar na matinding tinamaan ng lindol.
Dinala na sa pagamutan ang ilang mga sugatang biktima.
Nasa 500 katao din ang naiulat na nawawala dahil sa lindol.
Nagpadala na ng rescue teams ang United Nations kung saan inaasahan nila na madadagdagan pa ang bilang ng mga biktima.