ROXAS CITY – Patay na nang makita sa palayan ang isang 50 anyos na magsasaka sa Barangay Salocon, Panitan, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Reynaldo Distura, residente ng naturang lugar.

Ayon kay Police Staff Sergeant Francisco Mario Balasa, imbestigador ng Panitan Municipal Police Station, inihayag ng pamilya ng biktima na pumunta ito sa kanilang palayan ngunit kanilang ipinagtaka nang hindi na ito nakauwi.

Nang pinuntahan umano nila sa palayan ay doon na natagpuan ang biktima na wala nang buhay.

Base naman sa resulta ng post mortem examination, walang foulplay sa pagkamatay ng naturang biktima.