-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Hinuli ng mga pulis ang isang magsasaka na sangkot sa pagbebenta ng pinagbabawal na droga sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang suspek na si Junrel Villas, 31, may asawa at residente ng Sitio Polancos Purok 4 Barangay Dagupan Makilala North Cotabato.

Ayon kay Makilala chief of police, Major Arniel Melocotones na ni-raid nila ang tahanan ng suspek dala ang search warrant na inisyu ni Presideng Judge Jose Tabaosares ng 12th Judicial Region Branch 23 sa Kidapawan City.

Nakuha sa tahanan ng suspek ang 10 pakete ng shabu at mga drug paraphernalia.

Sinabi ni Major Melocotones na sangkot sa illegal drug trade si Villas sa bayan ng Makilala, Kidapawan City at Bansalan, Davao Del Sur.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng Makilala PNP at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.