Patay sa pamamaril ang isang babae at lalaki na magkasintahan matapos pagbabarilin sa Tondo, Maynila Linggo ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Rina Lopez at Jarius Palacio.

Batay sa report, galing ng lamay ang dalawa at pauwi na ang mga ito ng bigla na lamang silang pinagbabaril ng riding-in-tandem.

Ayon sa pahayag ng tatay ng babaeng biktima na si Ricky Lopez, nanalo sa sugal sa lamay ang magkasintahan.

Wala din silang alam na may mga kagalit o kaaway ang kanilang mga anak.

Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) hinggil sa insidente.