-- Advertisements --
BUCKS MAGIS

Ginulat ng Orlando Magic ang top seeded Milwaukee Bucks matapos makuha ang unang panalo, 122-110, sa unang round ng NBA Playoffs sa best of seven series sa Eastern Conference.

Nanguna sa panalo si Nikola Vucevic na nagtala ng 35 points at 13 rebounds habang mayroong 18 points si Terrence Ross at 15 points naman ang nagawa ni Markelle Fultz.

Nasayang naman ang nagawang 31 points, 17 rebounds at pitong assists para sa Bucks ng NBA MVP na si Giannis Antetokounmpo.

Matagumpay na naselyuhan ng Magic ang mga kilos ni Giannis gamit ang matinding depensa para biguin ito sa huling 11 minuto na wala ni isang puntos.

Ito ang unang laro ng Greek freak ngayong linggo matapos masuspinde sa final seeding game.

Hawak pa ng Bucks ang kalamangan hanggang nakahabol ang No. 8 na Magic sa pagpasok ng second half.

Ang Game 2 ay magaganap sa Biyernes.