-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Matinding kalungkutan ang nadarama ngayon ng pamilya Valenzuna sa Brgy. Aupagan nitong lungsod ng Butuan matapos magkasamang namatay sa nasunog nilang bahay kagabi ang mag-asawang senior citizen.

Nakilala ang mga biktimang sina Cepriano Valenzuna, 93-anyos at asawa nitong si Isidra Valenzuna, 86-anyos.

Ayon sa apo ng mga biktima na si Gary, tanging kanyang lolo at lola na lang ang nakatira sa kanilang bahay na iilang metro lang ang layo mula sa kanilang tirahan.

Dagdag pa ni Gary, nagulat na lamang sila nang maghiyawan ang kanilang mga kapitbahay dahil sa sunog kungsaan nakita pa nilang palabas na sa nasusunog nilang bahay ang kanyang lola ngunit dahil sa bilis ng apoy ay hindi na nila ito nailigtas pa.