ILOILO CITY – Pinuna ng pageant experts ang madulas na sahig at maliit na venue sa preliminary round ng Miss Universe 2019 na ginanap sa Marriott Marquis sa Atlanta, Georgia, USA.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Norman Tinio, pageant expert, sinabi nito na makikitang nahihirapan ang mga kandidata sa pagrampa kung saan apat na mga kandidata ang nadulas kabilang na ang France, Malaysia, Indonesia at Malta.

Ayon kay Tinio, dahil sa maliit na venue, limitado lamang ang galaw ng mga kandidata kung saan hindi ang mga ito makapakitang gilas ng 100%.

Pahayag pa nito, kung malawak sana ang venue ng preliminary competition, na rampa ng husto ni 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados ang kanyang national costume.

Napag-alaman na bukas na ang grand coronation ng Miss Universe 2019 sa Atlanta Georgia, USA.