Todo na ang paghahanda ng Madrid regional government sa pagpapatayo ng improvised morgue dahil sa pangamba na baka sa mga susunod na araw ay mahirapan sila sa problema sa mga casualties dahil sa COVID-19.

Ilalagay ang morgue sa headquarters ng Madrid Forensic Institute.

Anila, ang pasilidad ay kayang malagyan ng mortuary refrigerators na puwedeng tumanggap ng 200 mga namatay.

“This is an exceptional and temporary measure to help the work of funerary services, diminish the pain of the families of victims and the situation happening in the hospitals in the region,” bahagi pa ng statement ng government.

Ayon sa Spanish Ministry of Health sa loob lamang ng ilang araw ay handa na ang center.

Sa ngayon meron ng 2,400 coronavirus-related deaths sa Madrid pa lamang.