Hindi na umano kailangan na muling humarap si Ramil Madriaga sa House Committee on Justice, dahil halos lahat ng mahahalagang tanong ay naitanong na sa kanyang nakaraang pagtestigo, ayon yan kay Rep Joel Chua.
Ayon sa mambabatas, masusing sinuri ng mga mambabatas ang supplemental affidavit ni Madriaga, kabilang ang mga kalakip na dokumento at larawan, upang malinawan ang mga detalye. Aniya, sapat na ang naging pagtatanong upang mapatunayan ang mga nilalaman ng affidavit.
Dagdag pa ng mambabatas, limitado rin ang maaaring itanong sa pagdinig, dahil may mga usaping dapat na sa mismong impeachment trial sa Senado talakayin. Ilang beses ding pinahinto ni Rep Gerville Luistro ang mga “probing questions” ng mga miyembro ng komite.
Mahalaga umano ang paglilinaw sa mga pahayag ni Madriaga, lalo na sa kanyang alegasyon laban kay VP Sara Duterte hinggil sa umano’y maling paggamit ng confidential funds. Sa ngayon, hindi pa tiyak kung muli pa siyang ipapatawag sa mga susunod na pagdinig. (report by Bombo Jai )
















