Inaasahang makararanas ng maulap na papawirin at maulang panahon ang Luzon bukas, Agosto 23 dahil sa habagat, ayon sa state weather bureau.
Sa inilabas na 4 p.m. bulletin ng weather bureau, magdadala ang habagat ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thundedrstorms sa Ilocos, Region, Cordillera Administrative Region (CAR), Batanes, Cagayan, Zambales, Bataan, Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac at Pampanga.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman ang inaasahang maranasan sa Metro Manila at nalalabing lugar sa Luzon na may panaka-nakang pag-ulan o thunderstorms.
Maaari ring makaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms sa nalalabing parte ng bansa dahil sa localized thunderstorms.
Samantala, inaasahan namang papasok sa teritoryo ng Pilipinas ang Typhoon Saudel sa Lunes, Agosto 24 at tatawaging Obet.
















