Muli na namang nagpakitang gilas si Luka Doncic sa kanyang all-around game sa pamamagitan ng triple-double performance na may 33 points, 16 rebounds at 11 assists upang idispatsa ng Dallas Mavericks ang Houston Rockets, 113-100.
Malaking tulong din ang ginawa ni Tim Hardaway Jr. mula sa bench nang iposte ang 30 points.
Mistulang hindi malaman ng Rockets ang gagawin sa huling sandali ng fourth quarter kung paano mahahabol ang kalamangan ng Mavs.
Nagtapos sa game si Christian Wood ng 23 points para sa Rockets at si James Harden naman ay nagpakita ng 21.
Kung maalala as huling game ay hindi naglaro sina Doncic at Harden para ipahinga ang injuries.
Sa next game bibisita ang Mavericks (3-4) sa Denver sa Biyernes.
Ang Rockets (2-3) naman ay tutungo sa Pacers.