Binawi ngayon ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) ang nauna nitong desisyon na pagtanggal mula sa enahnced community quarantine (ECQ) at general community quarantine (GCQ) ang ilang lugar sa bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, buong bansa ay nasa ilalim na uli sa quarantine, kung saan ang ilan gaya ng Metro Manila, Laguna at Cebu ay nasa modified ECQ habang ang iba ay nasa GCQ at modified GCQ naman ang mga naunang naideklarang “green zone.”
Inihayag naman ni DILG Sec. Eduardo Año na ito ay bunsod ng kahilingan ng ilang mga gobernador at mayor na ibalik sila sa community quarantine at hindi pa sila handa sa ganap na pagtatanggal ng mga restrictions sa kanilang mga nasasakupan.
Sakop ng nasabing bagong polisiya ang 37 lalawigan at 11 lungsod sa Region I, Region IV-B, Region V, Region VI, Region VIII, Region X Region XII at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARRM).