Nakatakdang dinggin ng Land Transportation adn Regulatory Board ang hirit ng mga transport group na pagtaas sa sinisingil na pamasahe.
Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, nais nilang matukoy sa mga isasagawang pagdinig ang merito ng kahilingan ng mga operators at drivers.
Ito ay upang makita kung pagbibigyan ba o hindi ang kahilingan ng mga ito na taasan na ang kanilang mga sinisingil sa mga komyuter, dahil na rin sa sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Kasabay nito, tiniyak ng opisyal na papakingan nila ang lahat ng panig at argumento ng mga tsuper at operators, kasabay ng pagsigurong ikokonsidera ang kanilang hinaing.
Katwiran ni Guadiz III, may kani-kaniyang pamilya rin ang mga miymbro ng transport groups na maaaring apektado sa kasalukuyang sitwasyon ng mga tsuper at operator.
Maalalang nagsumite ng kanilang petsyin na taas-singil sa mga pamasahe ang ibat ibang mga grupo na kinabibilangan ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP), Pagkakaisa ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), Stop & Go Transport Coalition Incorporated, at Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), upang hilingin ang P2.00 na dagdag sa pamasahe.
Kung mapagbibigyan, magiging P14.00 na ang singil mula sa kasalukuyang P12.00.
Inimbitahan naman ng LTFRB ang iba’t ibang mga ahensiya ng pamahalaan na kinabibilangan ng National Economic Development Authority.