-- Advertisements --

Mariing itinanggi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mayruong anomalya sa implementasyon ng PUV modernization program ng gobyerno.

Sa press briefing sa Palasyo ng Malacanang, nilinaw ni LTFRB Chairman Atty. Teofilo Guadiz III na walang irregularidad sa pagpapatupad ng nasabing programa.

Inihayag ni Guadiz , naka pokus sila sa consolidation ng mga jeepney at maghikayat sa mga jeepney operators na magsama sama para makamit ang target na i-modernize na ang pampublikong sasakyan.

Punto ni Guadiz na walang anomalya sa ginagawa nilang pakiusap sa mga operator na sumama at makianib sa isang kooperatiba.

Aminado si Guadiz na ang nakikita nilang posibleng anomalya ay ang pagpili ng sasakyan ng mga kooperatiba.

Ang halaga ng isang unit ng modern jeepney ay nasa mahigit isang milyon at ang mahal na unit ay nagkakahalaga ng mahigit dalawang milyon.

Aniya wala silang ganuong proyekto dahil kanilang ipinauubaya sa mga kooperatiba na magdesisyon ang pagbili nila ng sasakyan.

Ang pagpili ng mga kooperatiba ng kanilang unit ay isang business decision.

Payo lamang ng LTFRB sa mga kooperatiba ay pumili ng isang magandang produkto.