Nakatakdang magbawas presyo ang produktong Liquified Petroleum Gas (LPG) sa pagpasok ng buwan ng Hunyo.

Inaasahan na maglalaro sa P5.20 kada kilo ang ibabawas sa mga LPG.

Ang nasabing pagbaba ng presyo ay dahil sa ibinagsak na presyo ng LPG sa world market.

Kasamang bababa ang presyo ay ang mga auto LPG.