Nagsimula ng magpatupad ng bigtime rollback ang liquefied petroleum gas (LPG) ngayong unang araw ng Abril.

Nasa P10.00 hanggang P11.00 ang ibabawas sa kada kilo ng LPG o mayroong P110 hanggang P121.00 sa kada 11 kilogram na tangke ng LPG.

Itinuturong ang epekto ng coronavirus pandemic ang dahilan ng nasabing bigtime rollback.

Ito na rin ang pangalawang rollback ng LPG ngayong taon.