-- Advertisements --
Patuloy na binabatayan ng Pagasa ang posibleng paglakas ng low pressure area (LPA) na nasa karagatang sakop ng ating bansa.
Inaasahang kasi lalakas pa ito at magiging mahinang bagyo sa mga susunod na oras.
Huli itong namataan sa layong 310 km sa hilaga hilagang silangan ng Casiguran, Aurora o 210 km sa silangan ng Aparri, Cagayan.
Kabilang sa mga maaaring maapektuhan ng ulang dala nito ang Ilocos, Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley at Central Luzon.
Samantala, hanging habagat naman ang maghahatid ng ulan sa iba pang parte ng ating bansa.