-- Advertisements --
Bahagyang bumaba ang lokasyon ng binabantayang low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng ating bansa.
Ayon sa ulat ng Pagasa, namataan ang LPA sa layong 85 km sa silangan hilagang silangan ng Borongan City, Eastern Samar.
Kumikilos ito nang papalapit sa Eastern Visayas at Bicol Region area.
Sa ngayon, maliit pa rin ang tyansa ng namumuong sama ng panahon para maging ganap na bagyo.
“This LPA remains less likely to develop into a tropical depression in the next 24 hours,” saad ng abiso mula sa Pagasa.
Samantala, tail-end ng frontal system at amihan naman ang nakakaapekto at nagdadala ng ulan sa iba pang parte ng Luzon.