May moderate chance o katamtamang tiyansa na mabuo bilang bagyo ang low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) sa sunod na 24 oras, ayon sa state weather bureau.
Ayon kay state weather specialist Benison Estareja, kahapon mababa pa ang tiyansa na mabuo bilang ganap na bagyo ang LPA subalit ngayong araw tumaas ang tiyansa na mabuo ito.
Nangangahulugan na sakaling maging ganap itong tropical depression bukas o sa Linggo, tatawagin ito sa local name na Auring.
Ito naman ang kauna-unahang bagyo kung sakali sa bansa ngayong buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon.
Huling namataan ang lokasyon ng LPA kaninang alas-8:00 ng umaga sa 480 kilometers (km) ng silangan ng Eastern Visayas.
Inaasahan naman na patuloy na tatahakin ng LPA ang Bicol Region at Eastern Visayas mula ngayong araw hanggang sa weekend.
Ayon sa weather bureau, habang tinatahak nito ang kalupaan, papalakasin pa nito ang habagat o southwest monsoon hindi lamang sa Luzon kundi maging sa kanlurang parte ng Visayas at Mindanao.