Patuloy na magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ang trough o buntot ng Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa Pagasa, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, Visayas, at Mindanao.
Habang ang nalalabing bahagi ng Luzon ay patuloy na makakaranas ng magandang panahon.
Samantala, huling namataan ang sentro ng LPA sa layong 1,345-kms silangan ng Visayas.
Inaasahang mamayang gabi o bukas ng madaling araw papasok sa teritoryo ng bansa ang naturang sama ng panahon na tatawaging “Falcon” kapag nabuo bilang isang bagyo.
Bagama’t hindi nakikita ng weather bureau na tatama ito sa kalupaan ng bansa, posible pa raw na mabago ang tatahakin ng naturang LPA.