-- Advertisements --

Pinaghahanda ng Pagasa ang mga residente ng Visayas at Mindanao sa panibagong pag-ulan, dahil sa namataang low pressure area (LPA).

Ayon sa weather bureau, partikular na maaaring bahain ang mabababang lugar sa Eastern at Central Visayas, pati na sa Mindanao.

Huling namataan ang LPA sa layong 265 km sa silangan timog silangan ng Davao City.

Sa ngayon, maliit ang tyansa nitong lumakas bilang ganap na bagyo dahil malapit na sa lupa.

Nakapaloob naman ang namumuong sama ng panahon sa intertropical convergence zone (ITCZ) o ang nagsasalubong na hanging naghahatid ng makapal na ulap.

Habang hanging amihan naman ang nakakaapekto sa malaking bahagi ng Luzon.