-- Advertisements --

Asahan ang mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon, dahil sa nananatiling low pressure area (LPA).

Huling namataan ang sentro nito sa layong 55 km hilagang kanluran ng Baguio City.

Inaabot ng makapal na ulap ang Northern at Central Luzon dahil sa nabanggit na LPA.

Habang easterlies naman ang nakakaapekto sa eastern sections ng Visayas at Mindanao.

Maliban dito, binabantayan din ang isang bagyo na ngayon ay nasa Pacific Ocean.