-- Advertisements --
Apektado ngayon ng makulimlim na panahon at mga biglaang buhos ng ulan ang Eastern Visayas, Caraga at Davao Region dahil sa extension ng isang low pressure area (LPA).
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang LPA sa layong 1,055 km sa silangan ng Mindanao.
Maliban dito, nagdudulot din ng paminsan-minsang buhos ng ulan ang shear line o malakas na ihip ng hangin sa iba pang parte ng Mindanao.
Habang northeast monsoon o amihan naman ang nagdadala ng malamig na hangin sa Luzon at Visayas.