-- Advertisements --

Patuloy ang babala ng Pagasa sa mga residente ng Northern Luzon, dahil sa posibilidad ng pag-ulan at baha.

Bunsod ito ng umiiral na low pressure area (LPA) at hanging habagat.

Huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 210 km sa hilagang silangan ng Tuguegarao City, Cagayan o 160 km sa silangan ng Calayan, Cagayan.

Kabilang sa mga inaasahang maaapektuhan ng malalakas na ulan ay ang mga sumusunod na lugar: Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR), Batanes, Cagayan, Isabela, Zambales, Bataan, Aurora at Quezon.