-- Advertisements --
Ganap nang naging bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine area of responsibility.
Tinawag ito sa local name na “Ineng,” ang ika-siyam na sama ng panahon para sa taong 2023.
Ngunit wala pa naman itong international name, dahil hindi pa pasok sa 65 kph threshold.
Huling namataan ang bagong bagyo sa layong 925 km sa silangan ng Extreme Northern Luzon.
Mabagal itong kumikilos sa pahilagang direksyon.
Taglay naman ng tropical depression Ineng ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Hindi naman ito inaasahang tatama sa alinmang parte ng ating bansa.