Unti-unti nang pumapasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang binabantayang low pressure area (LPA).
Huling namataan ang LPA sa layong 660 km sa silangan timog silangan ng General Santos City.
Ayon kay Pagasa forecaster Shelly Ignacio, maliit pa ang tyansa nitong maging bagyo, ngunit regular na silang maglalabas ng mga update.
Kahit wala pa kasi ito sa loob ng PAR, ang kaniyang extension naman ay naghahatid na ng ulan sa malaking bahagi ng Visayas, Mindanao, Bicol Region, Quezon at Palawan.
Ang mga lugar na nabanggit ay inaalerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Samantala, maliban sa LPA na ito, isa pang namumuong sama ng panahon ang inaasahan bago matapos ang taong ito.
Sa pagtaya ng Pagasa, maaari itong maging bagyo na makakaapekto pa rin sa ating bansa.