Humihiling ang Department of Energy (DOE) ng P3.8 billion budget para sa taong 2026 —mas mataas ng 24.44% kumpara sa P3.1 billion nitong taong 2025.
Kasama sa panukala ang P500 million para sa total electrification project at P6.4 billion para sa national rural electrification program, bilang suporta sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makamit ang 100% electrification bago matapos ang kanyang termino.
Layunin din ng budget na palakasin ang malinis na enerhiya sa bansa. Makakatanggap din ng P198 million ang Renewable Energy Development Program (tumaas ng 15.7%) at P460 million ang Alternative Fuels and Energy Technology Program na tumututok sa electric vehicles, LPG, at CNG.
Target ng DOE na maabot ang 35% renewable energy share sa power mix ng bansa pagsapit ng 2030.
Samantala mabilis namang inaprubahan ng House Committee on Appropriations noong Martes, Setyembre 2, ang panukalang P3.8 budget ng DOE para sa taong 2026, matapos tapusin ang deliberasyon sa loob lamang ng ilang minuto.
Ang mabilis na proseso ay alinsunod sa tradisyon ng Kamara na hindi na isinasailalim sa matagal na pagbusisi ang mga dating kongresistang ngayon ay miyembro na ng Gabinete na kung magugunita si DOE Secretary Sharon Garin, na dating kinatawan ng Iloilo, ang kasalukuyang pinuno ng ahensya.
Una rito, pinangunahan ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang mosyon para tapusin agad ang pagtalakay.
“In accordance with the long-held tradition, the former colleague who is appointed as secretary… I move that we dispense and terminate the budget of the DOE,” aniya at walang tumutol sa mosyon.