-- Advertisements --

Nagbabala ang Pagasa ng mga biglaang buhos ng ulan sa ilang bahagi ng Southern Tagalog at mga karatig na lugar, dahil sa isang low pressure area (LPA).

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang LPA sa layong 60 kilometro sa kanluran ng Romblon.

Sa ngayon, malabo itong lumakas bilang bagong bagyo.

Gayunman, maaaring maghatid ng ulan ang namumuong sama ng panahon kahit makalayo na ito sa Luzon landmass.