-- Advertisements --
Nagdadala ngayon ng ulan sa ilang bahagi ng Southern Luzon ang isang mahinang low pressure area (LPA).
Ayon sa ulat ng Pagasa, huli itong namataan sa layong 45 km sa hilagang bahagi ng bayan ng Romblon, sa probinsya ng Romblon.
Inaasahang malulusaw na rin ang naturang namumuong sama ng panahon sa mga susunod na oras.
Samantala, patuloy ding mino-monitor ng Pagasa ang isang bagyo na malapit sa Philippine area of responsibility (PAR).
Namataan ito sa layong 2,035 km sa hilagang silangan ng extreme Northern Luzon.
May taglay itong hangin na 45 kph at pagbugsong 55 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 30 kph.















